FREUD
Nasimulan ko pala na malungkot ang kwento ko. Pasensya na.
Like I said, Errol was just an online boyfriend.
Meaning, we didn't meet.
Siguro naman may naiisip na kayo kung bakit hindi naging kami in person?
Kung wala, abangan niyo na lang sa mga susunod kong kwento.
---
First Friday as an employee. Hindi ko alam pero malaking bagay na 'yon para sa akin. Dumaan na ang isang linggo at buhay pa ako. I was expecting it would be hard. Pero baka dahil training pa lang kaya medyo nakakangiti pa ako.
Wala namang exciting na nangyari sa noong umaga. We've finished some modules but we still have 7 days left. Nasubukan na rin namin kung paano ang gagawin sa real work, like requesting for documents from the client, pati na rin ang pag-i-interview. I hate the interview part. Hindi naman kasi ako magaling magsalita at magtanong. Masyado pang mahina ang boses ko kaya baka magkalituhan lang kami ng interviewee ko.
I was with my friend Jochen during lunch. And like in the previous days, sa fastfood na lang kami kumakain. We barely have time for lunch break since inaabot na ng siyam-siyam ang mga modules. Nag-e-enjoy yata masyado magturo ang mga facilitators kung kaya ang pang-1 oras lang dapat na module ay inaabot ng halos 3 oras.
Kaka-fastfood ko, ramdam ko na ang pagtaba ko. It never feels good.
Pagdating ng hapon, training pa rin. Medyo tinatamaan na nga ako ng katamaran. Pero ok lang, kailangan ko rin naman 'to.
Pangarap ko kasi maging partner ng company. Sa mga audit firms kasi, usually, ang mga may-ari ay tinatawag na 'partners'. Then, para maging partner ka, you need, generally, 10 years or more in the company. Tsaka depende na rin sa performance mo kung magiging partner ka. Pero masyado pang malayo ang goal kong 'yon. Kaya dapat maayos ko ang first year ko sa firm para hindi naman ako mahirapan sa pag-abot ko sa pangarap ko.
Nagkaroon din ng loveteam si Errol. 'Yong isa kasi nilang groupmate na babae, halatang-halata ang pagka-crush sa kanya. Dinig sa buong room ang tuksuhan sa group nila kaya pati ang mga facilitators, nakiasar na rin. Nakikitawa lang naman siya. Pero nahuhuli ko siyang nakatingin habang nakangiti. Like, he was looking at me and waiting for any disapproval on my face. No reaction lang naman ako.
As for me, naging friends ko na rin naman ang groupmates ko. We even exchanged numbers na rin. I got to soften up a bit with them kaya naranasan na nila ang mga corny banat ko. Sana lang, ma-appreciate nila ang ginagawa ko. Effort na nga masyado para sa akin ang pagiging friendly.
Nauna na lumabas ang mga groupmates ko kasi may kanya-kanya naman silang lakad. Si Jochen naman ay hinihintay ako sa labas ng room. Niligpit ko kasi mga gamit sa table namin kasi kami ang may pinakamagulong table.
Lumapit pala si Errol. Nakatingin lang habang pinagpapantay-pantay ko ang mga papel. I looked at him but I didn't stop what I was doing. He said nothing so I just quickly arranged everything else and picked up my bag.
"Gusto mo sumabay pauwi?" Errol finally spoke.
"Hinihintay ako ni Jochen. Tsaka, out of way naman ako," ang sabi ko na lang. Effort na lang uli maging friendly.
"I don't mind. Isama mo na rin si Jochen para hindi naman nakakahiya."
"Errol, please." Mahinahon pa naman ang boses ko.
"Okay. How about on Monday?"
"Errol, huwag na. The truth is, gusto kitang iwasan. Alam ko namang importante ang image mo sa ibang tao. Ayaw kong umaaligid ka sa akin kasi, for sure, they'll misunderstand and judge you quickly. Iniisip lang naman kita."
"Who said I care about them, anyway?" Medyo iritado nitong sagot.
"None, but I do. And I know it's the best for you." I walked past him.
"Freud." Hinila na naman niya ang kamay ko. "I know it's been 3 years pero... I want us to start over. Let's start over, please?" He was pleading. Hindi naman ako sobrang manhid para hindi maramdaman ang pagmamakaawa niya pero I have to protect myself, my heart, from this kind of thing.
"You know we can't." I didn't want to pull my hand like before. Hinintay ko na lang siya na unang bumitaw. But he didn't. Hinigpitan pa niya lalo.
Kaya huling-huli kami sa akto ni Jochen. Doon lang ako bumitaw. I looked at Errol's scared face and walked away. Hinila ko si Jochen palabas ng room at dali-daling naglakad papunta sa elevator.
Sa loob ng elevator, tahimik lang kami ni Jochen. Alam ko, marami siyang tanong. Pero bahala siyang unang magsalita.
Noong nakasakay na kami ng bus lang siya nagsalita. "Totoo ba ang mga nakita ko?"
"I guess. Nasa sa'yo na kung bibigyan mo ng meaning ang nakita mo. And I'm not begging you to keep it a secret. Pero sana isipin mo na lang si Errol. You saw how scared he looked. Ako, wala na naman akong pakialam kung pag-usapan ako ng ibang tao. I'm just done trying to fit in," sagot ko. Tumingin na lang ako sa bintana.
The city looks better at night. Buildings are lit like very tall Christmas trees. But the people in it, I guess they need more fun, more excitement in life. They look like zombies with umbrellas.
"You love him, don't you?" tanong nito.
"I loved him. But it doesn't matter anymore. Nothing does."
Tuluyan nang bumuhos ang ulan.
No comments:
Post a Comment