Author's Note (August 16, 2013): Will make a huge reformat of Freud's story. Instead of "Errol and I", I decided to change the title to "Burning Fire". The first letters of the names of the main characters (Freud, Intent, Risk and Errol) makes up the word FIRE, so to add drama to the story, I thought using the word fire in the title would be more appropriate. Thank you for dropping by and SKIMMING my story. lol
FREUD
Ang bilis ng oras. Huling araw na ng training ko. Naging masaya naman ang experience ko. Medyo nakakapagod lang mag-absorb ng mga bagay-bagay pero marami pa rin akong natutuhan.
Marami na rin akong naging bagong kaibigan. Ngayon lang uli ako sumubok na maging open sa ibang tao. I set aside my trust issues, just tried to be who I really am. It was rewarding. I never felt so comfortable in my life. May mga kaibigan naman ako kahit papaano bago ang training pero masaya ako at lumawak pa ang network ko.
Maaga akong pumasok. 7AM pa lang nasa building na ako, 8AM pa ang start ng training. Pinili ko na lang muna maglakad-lakad. Ayaw ko kasing pumunta ng mga fast-food restaurants malapit sa office kasi baka masita lang ako ng guard na tumatambay lang ako. Hindi naman kasi ako bumibili ng pagkain.
Habang naglalakad, kung anu-ano na naman ang naisip ko. Iba pala talaga feeling kapag may trabaho ka na. Noong nasa college pa ako, iniisip kong mas madali ang buhay na walang iniisip na quizzes, recitations, final exams. 'Yon pala, kapag nagtrabaho ka na, lahat, parang puro application na ng naaral mo. Lagi na lang practical exam. Mas nakaka-drain pa pala sa inaasahan mo.
Pero gan'on naman talaga siguro. More often than not, reality is different than your expectations.
Medyo nararamdaman ko na ang pagpapawis ko kaya minabuti ko ng bumalik ng office. Nakakahiya naman kung umaga pa lang ay amoy-pawis na agad ako.
Naisipan kong mag-CR pagdating sa 4th floor ng building kung saan kami nagte-training. Bubuksan ko na sana ang pinto pero may narinig akong nag-uusap. Actually, hindi talaga pag-uusap. More like, moans. Pero hindi ko na mapigil ang pag-ihi ko kaya pumasok na rin ako.
Dalawa ang cubicle sa CR. Sarado ang isa, kung saan nanggagaling ang mga ungol na naririnig ko. Pinili kong pumasok sa dulong cubicle na walang tao. Madalas kasi akong umihi sa cubicle. I don't like urinals. Feeling ko exposed ako.
Wala akong balak mangialam sa pinaggagawa ng mga tao sa kabilang cubicle. Pero naririnig ko ang bulungan nila.
"May tao..." sabi ng isa. Iba pa rin ang tono nito, parang may halinghing.
"Bilisan na lang natin. Malapit na 'to," sagot naman ng isa. Iba naman ang tono nito, parang gigil na gigil.
Binilisan ko na lang din ang pag-ihi. Kahit bakla ako, never kong naisip na makisawsaw sa mga ganitong bagay. That's just so inappropriate.
Natapos na rin ako maghugas ng kamay. Dinig ko pa rin sila, mas lumalakas na ang mga boses nila. Lalabas na sana ako nang sumigaw ang isa sa kanila.
"Errol! Ayan na ako!"
"`Eto na rin ako!"
Kinilabutan ako sa kinatatayuan ko. Hindi rin ako makagalaw. Ewan ko kung bakit. I stood there until they came out.
Si Errol, kasama ang isa naming co-trainee, si Tray. Tray was from another section.
They were both sweaty and panting.
Para akong tanga. Dapat kanina pa ako lumabas ng CR at bumalik sa room.
Pero nasa harapan ako ng dalawang nagniig sa loob ng CR.
Errol looked shocked. Tray's expression was priceless, though. Like he won the lottery or something. He was smugging.
Tumayo si Tray sa harapan ng lababo. He washed his hands and his face.
Si Errol nakatingin lang sa akin. Hindi niya siguro alam ang gagawin.
Bumalik na ako sa room. I need to sit. I need to calm myself. I was shaking so badly.
Jochen approached me. "Bakit ang putla mo, Freud? Nanginginig ka pa. Okay ka lang?"
I didn't answer. I think I lost my voice at that moment.
No comments:
Post a Comment